ta-da! welcome to my world. :)
Tuesday, November 21, 2006
blind item.

Laro tayo. Hahah. I have a friend. Hindi niya alam na nasasaktan ako sa ginagawa niya. Kasi tuwing kinakausap ko siya about something na nahihirapan na ko, bigla niyang iniiba yung topic. Siguro ginagawa niya yun para hindi ko ako malungkot, pero kaya nga ako lumalapit sakanya para may makausap eh. Siguro ginagawa niya para hindi SIYA malungkot, pero hindi ba parang pagdadamot na ata yun?

Lumalapit ako sa'yo, kasi alam kong maiintindihan mo. Hindi naman sa maiintindihan mo, pero alam kong makikinig ka. Hindi pala. Iba ka narin. Ewan ko lang. Siguro sawa ka na marinig mga problema ko.

Pero bawat oras na ginagawa mo yun, nasasaktan ako. You're one of the few that I've got. Unti-unti ka naring nawawala. Talaga ngang siguro, in the end of the day, you'd end up with no one else but yourself.

Pero kaibigan kita, at mahal na mahal kita. Siguro hindi mo nakikita yun. Hindi kita madalas na nakakausap, or kung ano man, pero mahal kita. Isa ka sa pinaka-malapit sakin. Kaya ko 'to ginagawa para malaman mo mali mo. Andito parin ako pag kailangan mo. Inaantay ko lang yung araw na magtatanong ka kung ok lang ako, kung buhay pa ba.

Sino ka nga ba?