ta-da! welcome to my world. :)
Tuesday, November 14, 2006
do i have to fall asleep with roses in my hand?

maraming hindi nakakaintindi sakin. kung tutuusin bilang lang kung ilan. kahit ilang beses nilang sabihin na naiintindihan nila, pwedeng sinasabi lang nila yun. but then you'd never know. nakikinig sila...kuno.

oo lia, hunghang na gorilya ako. hahaha. kasi hindi ko alam kung ano gagawin ko sa buhay ko. kung mag-aantay, aasa, or give it all up all together. haay ang drama nga naman ng pagiging babae...at pagiging isang labing-tatlong taong gulang na estudyante ng pers year. oo marami akong drama sa buhay. kaya nga ako may blog eh. pero dalawa lang ginagawa ko... either pinagtatawanan ko ang problema...o umiiyak ako. oh diba. ano pa bang ibang pwedeng gawin diyan diba? ayoko naman nang patanga lang.

love? sus kalokohan. walang love. kathang-isip. fiction. hahaha. ang cynical ng dating.

pero nasa tao rin yun. kapag masaya ang buhay ng tao, maganda, matalino, mayaman, may boyfriend at kung ano pang luho sa mundo na kagustuhan mo ay nasakanya, siyempre love would exist. pero that doesn't guarantee happiness.

pero kung katulad mo ako, na walang likas na kagandahan, talento at ang tatay ko ay may kabit at hindi senator o kung ano mang prominenteng tao sa lipunan, siyempre walang love.

oh wag ka na magalit sakin, alam kong naniniwala kang may love.

isang araw mababasa niyo nalang dito, "oh golly wolly, i'm in love!". see. i always end up with my foot stinking in my mouth.

pero sa ngayon, there's no effin thing called love. malamang inimbento lang yan ni shakespeare. oh kung sinuman. probably...ehh...ewan ko. si newton siguro inimbento lang yan.

nabasa ko sa reader's digest romantic love doesn't last a lifetime. oh wag ka fact na yan. in a marriage, after a certain period of time, you can't rely on love anymore, you have to work it all out on your own. sa tingin mo bakit inimbento ang divorce, separation at annulment?

it's about accepting reality.

walang love sa mundo ko, atleast not now.